Back to No to Vote Buying!

Mapagpalayang bati!

Sa aking paglilibot libot sa bayan ng Polangui at pakikipag usap sa mga barangay officials, mga poltical leaders at mga family/clan elders, I was deeply challenged by some of their comments and ideas.
Ang iba sa kanila, especially yung mga nasanay sa traditional politics discourages me to run. Ang una nilang tanong – MAGKANO IPAMBIBILI MO?! Honestly I was shocked! Alam ko na normal na kalakaran ang bilihan ng boto lalo na dito sa ating bayan, pero yung ganun na harap harapan tatanungin ka... Whaaaaattttt???!!!!! Parang walang ka finesse finesse, masyado ng garapalan. Why not ang itanong na lang is what ba kakayahan mo? Ano plataporma mo? Meaning kahit pala unggoy basta mamigay ng P50 for councilor pwedeng makaupo sa konseho. Just imagine kailangan daw ng minimum of P500,000 to P1M just to win for councilor. Ano to negosyo? Saan babawiin ng mga trapong ito ang kinapital nila para manalo? That’s why corruption is very prevalent in our town and country as a whole. I felt disappointed and angered by that kind of thinking. Instead of being discouraged I took it as a challenge. Nagawa nga ng tatay ko na manalo ng Vice Mayor for 2 consecutive terms na hindi namili ng boto, ang kapital niya is pakikipag kapwa tao at totoong serbisyo. Naniniwala ako na mulat na kahit papaano ang mga botante. Hanggang ngayon hindi ko ma-gets ang logic... Bibilhin ka ng P50 kapalit ay 3 taon na pandarambong... Tapos yung mga nagpabili magsasalita na wala daw nagagawa mga trapo eh sila rin naman mismo naglagay sa mga trapong yun...
Tama na! Sobra na! Panahon na po nating baguhin ang sistema ng pagpili ng mga mamumuno sa atin... Ako, Ikaw, Tayo ang simula para sa magandang kinabukasan ng bayan natin... Salamat at kaisa ko po kayo sa adbokasiyang ito. Let us spread the good news of hope and change. Simulan natin sa ating sarili at sa ating pamilya...
Wait ko po reply niyo kung sa tingin ninyo may pag-asa pa ba nating mabago ang sistema ng pagboto sa bayan natin.
Mabalos tabi! Maray na aldaw!

to comment